ser•bís•yo púb•li•kó 1: paglilingkod sa publiko 2: ang sistema ng pagpapatrabaho na ginugugulan ng pamahalaan
ser•bís•yo si•bíl 1: sangay ng lingkurang pam-pamahalaan na humihirang ng mga tauhan sa pamamagitan ng mahigpit na pagsusulit 2: lawas ng mga kawani ng pamahalaan, maliban sa militar
no•tár•yo púb•li•kó : sinumang awtorisado ng estado o pamahalaan na mangasiwa sa mga panunumpa at magpatunay sa pirma